Home » » Sharon Cuneta, walang patid ang pag-iyak nang makatanggap ng sorpresa

Sharon Cuneta, walang patid ang pag-iyak nang makatanggap ng sorpresa



MANILA -- Walang tigil ang pagluha ni Sharon Cuneta sa sorpresang handog sa kanya ng "Magandang Buhay" nitong Lunes para sa pagdiriwang ng kanyang 40 taon sa industriya.

Nagsimulang bumuhos ang luha ni Sharon nang awitin nina Jeremy Glinoga mula sa "The Voice Teens" at Sheena Belarmino mula sa "Your Face Sounds Familiar Kids" ang kanyang awiting "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko."

0 comments:

Post a Comment